30 day challenge // 6th day, 7th day and 8th day
POSTED ON: Wednesday, June 01, 2011 @ 12:53:00 AM | 0 comments
Day 6 - The person you like and why you like them
To be honest, wala akong ginugusto ngayon. Hahaha. Magreact na ang gustong magreact, pero wala talaga. Kung si Kenny ang iniisip nung iba kong ka-close, well, you're wrong. :D Hahaha. Kung talagang tatanungin niyo ako kung sino yung taong gustong gusto ko ngayon, ang isasagot ko na lang FRIENDS.
 |
Yes. Friends.
I got the image in Yahoo! |
I like them because they let me show the true me. YUNG TOTOONG FRIENDS AH. Sa panahon ngayon mahirap makahanap ng mga tunay na kaibigan na tatanggapin ka kung sino ka man and yung makakasama mo sa mga bagay na parehas kayong nag-eenjoy. A little trivia: I don't have a bestfriend. :)
Day 7 - Your opinion on cheating people
For me, when you cheat on a person, hindi naman talaga sila ang niloloko mo, kundi ang sarili mo. Siguro nga sa umpisa, akala mo ikaw ang nakalamang or naisahan mo sila. Pero on the other side, sarili mo ang kinukumbinsi mong naloko mo sila. Kalimitan sa mga taong ganito ay unsuccessful. They may seem very happy pero on their inner being, hindi. May bagay na kulang. At naniniwala rin ako sa kasabihang, "Walang manloloko kung walang magpapaloko." Masakit sa pakiramdam ang maloko and I'm sure na halos lahat ng tao, ayaw maransan ito, so anong sense para manloko/makaisa/makalamang ka sa iba? Nadadagdagan ba pagkatao mo? HINDI. Nabawasan pa nga lalo.
Day 8 - Something you're currently worrying about
Entrrance Exams
 |
UPCAT
Got the image from Google Images |
 |
ACET
Got the image from Google Images |
Don't get me wrong. Syempre lahat ng entrance test kinakabahan ako. Pero the UPCAT and ACET are different from the other entrance tests. Pangarap ko talagang makapasok sa Unibersidad ng Pilipinas (Sino ba namang hindi?) at Ateneo de Manila University kaya sobrang nagwoworry ako about sa kanila. Pero I'm hoping for the best. [I also believe na wala sa university yung pagiging matagumpay mo sa buhay, nasa iyo yun. Pero like what I said, I'm hoping for the best.]
Senior Year
 |
Graduation
Got the image from Google Images |
More like naeexcite. Siguro mas appropriate kung nilagay ko rito, college. Kaso masyado pang matagal yun. Pero I'm hoping na ang last year ko sa MaSci ay maging exciting, mas madami akong matutunan and be a better person that I can be. Ang graduation. YAY.
Philippines
 |
Philippines
Got the image from Google Images |
Yes. I worry about the Philippines. Mula sa mga taong nagpapatakbo, sa mga simpleng mamamayan hanggang sa environment natin. Philippines is a land of promises. Sana hindi lang promises. Napakayamang bansa ng Pilipinas, mula sa natural resources, sa talino ng mga tao hanggang sa mga masisipag na mamamayan. Siguro ang kulang lang sa nakararami ay yung disiplina. Kailangan na kailangan yun upang mapaunlad ang sarili mo at kapag napaunlad mo na ang sarili mo, susunod na ang pag-unlad ng bayan mo. At kulang din sa iba ang pagmamahal sa sarili niyang bayan. Nag-aalala ako dahil darating ang panahon na magkakapamilya rin ako at sa pagdating ng oras na yun, ang mga anak ko rin ang makikinabang o mahihirapan sa mga bagay na mararanasan nila rito sa ating bansa. Naniniwala akong kayang kaya ng Pilipinas na makipagsabayan sa mga First World Countries. KUNG MAGTUTULUNGAN LANG ANG BAWAT ISA.
Youth
 |
Youth
Got the image from Google Images |
Gasgas na siguro para sa iba ang katagang sinabi ng ating pambansang bayani, "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan." Pero para sa akin, hindi pa. Naniniwala akong malaki ang maiaambag ng henerasyon namin ngayon, kung. KUNG.. matutuwid lamang ang landas ng iba sa amin. Kung mabibigyan ang bawat isa sa amin ng karapatan na malasap ang dekalidad na edukasyon. Kung ang bawat kabataan ay may mga pamilya at magulang na tunay na gagabay sa kanila. Kung ang bawat isa ay humihingi ng paggabay at may takot sa Maykapal. Nag-aalala ako sa nakikita ko sa paligid ko, sa kinahihinatnat ng mga kabataang kasingedad ko lang o di kaya'y mas bata pa sa akin. Alam kong they deserve a better life and they could be a better person if they were given enough chance. Maswerte ako dahil may natatawag akong pamilya, nakakapagaral ako sa isang prestihiyosong institusyon, may sariling damit at tirahan ako. Nakakakain ako ng tatlong beses sa isang araw. At minsan, nakukuha ko pa ang gusto ko at ang luho ko. ANG SWERTE KO. Pero paano yung iba? Paano?

 |
| Got the images from Google Images |
Kaya pa natin to. Kaya pa.
← Older / Scroll Back Up / Newer →