Minsan May Isang Puta
POSTED ON: Thursday, May 31, 2012 @ 12:39:00 AM | 0 comments
Tingin ng mga bobong kapitbahay ko, puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila, ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.
Tara, makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.
Alam mo, maraming lumapit sa akin. Nagkagusto at naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo, virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Hindi ko maintindihan ang mga nangyari sa akin. Bukas palad ko naman silang pinakitunguhan, ni hindi ko nga itinuring na iba. Iniisip ko na nga lang na kasi di sila taga rito kaya siguro talagang ganoon.
Tatlong malilibog na foreigners ang nagpyesta sa katawan ko. Sabi nila na-rape daw ako.
Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan.
Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Kasi, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. May mga pagkakaton na nasusuka na ko sa mga nangyayari sa aming dalawa. Parang ‘pag humahalinghing siya, nararamdaman ko na nalalason ako.. Gusto ko mang umayaw, hindi ko makuhang humindi. Hindi ko din alam kung bakit. Ibang klase din kasi siya mag-sorry eh, lalo pa at inalagaan niya ako at ang mga naging anak ko.
Alam mo, parating ang dami naming regalo – may chocolates, yosi at ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya! Alam kong ginagamit niya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa!
Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami! Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay.
Punyetang buhay! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Palayasin ko na daw. Taon ang binilang bago ako natauhang makining sa payo. Iniisip ko kasi na parang di ko kakayanin na mawala siya sa akin… Sa amin!
Sa tulong ng ilan sa mga anak ko, napalayas ko ang demonyo pero ang hirap magsimula. Hindi nga ako sigurado kung nabunutan ako ng tinik o nadagdagan pa. Masyado na kasi kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya, kaya eto nabaon kami sa utang. Lubog na lubog kami sa pagkakautang, kulang yata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.
Nakakahiya man aminin pero hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. ‘Yun nga lang, kapit sa patalim sabi nga nila. Para akong isang aso na nangagat ng amo, na bumabahag ang buntot at umaamo kapag nangangailangan.
Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kasi ang isang magandang katulad ko. Ang dating hinahangaan at humahalina ay nabibili sa murang halaga. Alam mo maski ganun ang mga nangyari sa akin, nilakasan ko pa rin ang loob ko. Kailangan makita ng mga anak ko, na masasandalan nila ako maski ano pang mangyari.
Maski ano pa ang sabihin ng iba, sinisikap namin na maging maganda ang buhay namin. Nag-aambisyon kami at nangangarap. Ayun, may mga anak ako na nasa Japan, Hong Kong, Saudi. Yung iba nag-US, Canada, Europe. ‘Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi. Masaya daw sa piling ko, maski amoy pusali ako.
Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na nanamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Eto na nga ang panahon na halos di na kami makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.
Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki! Paano na lang ang mga anak kong naiwan sa aking puder? At paano na lang ang mga anak kong nasa abroad? Baka di na nila ako balikan o bisitahin man lang? Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama lang ng mga anak ko ang pagmamahal ko. Malaman nila na ibibigay ko ang lahat para sa kanila.
Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag-usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko eh, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawain. Tama man o mali.
Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw pa.
Mabigat dalahin para sa akin, ang katotohanan na ni minsan ay di kami naging isang pamilya. Halos lahat ng mga anak ko, galit sa isa’t isa. IIlan ang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Madalas kong itinatanong sa sarili ko kung naging masama ba akong nanay para magturingan ng ganito ang mga anak ko?
Kanino bang similya ng demonyo nanggaling ang mga anak kong maituturing mong may mga pinag-aralan pero nakakadama ng saya at sarap sa paghihirap ng kapatid nila? Di ko lubos maisip kung saan impiyerno nanggaling ang kasikiman ng ilan sa mga anak kong ito. Sila pa naman ang inaasahan kong magbabangon sa amin. Nakakabaliw isipin na natitiis nila ang kalagayan ng kanilang mga kapatid na halos mamatay sa hirap ng buhay. Parang di sila magkakapatid sa tindi ng pagkaganid at walang pagmamalasakit.
Ang di ko akalain ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masaya sila sa mga nabibili nila mula sa pinagputahan ko. Buong angas nilang pinagyayabang ang mga pansamantalang yaman at ang kanilang hilaw na pagkatao sa mga makakakita at makikinig. Talaga bang nakakalula ang materyal na kayamanan at mga titulong ikinakabit sa pangalan? Hindi ko maintindihan.< Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala sarili ko.
Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Ilang linggo pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap-usapan na ang susunod na pangbubugaw sa akin. Gagamitin pa nila ang kahinaan ng mga kapatid nilang alipin sa kalam ng tiyan. Sa tagal ng panahong ganito ang sitwasyon namin parang eto lang ang sulok na gagalawan ko. Sana may magtanggol naman sa akin. Ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw: “Ina ninyo ako! Pagmamahal nyo lang ang kailangan ko!”
Sensya na, ang haba na ng drama ko. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako. Malaking bagay sa akin na nakausap kita. Ang tagal nating nag-usap, di man lang ako nagpapakilala.
Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.
Pilipinas nga pala. _____________________
Gusto ko lang pong linawin na hindi po ako ang nagsulat nito,this is by Mike Portes.Shinare ko lang po para maraming makabasa sa sinulat niya:)
Shared this. Yes. I want you to read this. :-) Nung binabasa ko pa lang yung unang part, hindi ko alam pero naisip ko na agad ang Pilinas. Hay.
Complicated
POSTED ON: Sunday, May 27, 2012 @ 12:00:00 AM | 0 comments
Ang complicated ko raw na tao. Ewan ko, pero alam ko namang complicated talaga ako. Haha. Malabo akong kausap lalo na kapag stressed. Hyper akong kausap kapag masaya. Biglang ganito, biglang ganyan. Gustong gawin yung ganito, gustong pumunta sa ganyan. Ganun ako. Impulsive. Di mo malaman kung anong susunod na mangyayari. Di mo mabasa kung anong takbo ng isip ko. Mabilis magbago ng mood.
Mahirap nga raw ispelengin, ika nila. Pero masaya maging complicated, hindi dahil ayaw mong may makaintindi sa’yo. Pero dahil nagiiwan ka ng palaisipan sa mga tao. Well, hindi lang sa kanila, kundi pati na rin sa sarili mo. Hindi mo alam kung anong susunod. Maghihintay ka at aabangan mo ang nagbabadyang mga pangyayari at mananabik ka sa bawat segundong lumilipas. Wala masaya.
Ang pangit lang na part dito, alam mong hindi ka maiintindihan ng mga tao. Maswerte ang mga taong makaiintindi sa’yo at makapagtitiis sa ganung pag-uugali mo. Yung ganun. Dapat tinetreasure yung mga ganung klaseng tao dahil kakaiba sila! Mantakin mo, kaya nilang i-tolerate yung pagiging abnoy mo. Kapag tinotoyo ka, nandyan sila para makinig lang sa mga hinaing mo. Kapag masaya ka, nakikishare sila sa kasiyahan mo, ganun. Happy lang!
Pero nakakapagod ding maging ganito minsan. Aminin natin, nakakapagod umintindi sa mga taong kagaya ko. Hahahaha, kaya salamat sa mga taong nandyan pa rin at di nagpatinag sa kakaibang paguugali ko. ♥
Hawla
POSTED ON: Friday, May 25, 2012 @ 2:27:00 AM | 0 comments
Nakakainis lang isiping dahil sa simpleng bagay, kailangan humantong sa mga bagay na ganito. Nakakainis. Nakakabadtrip. Kung saan mo pa iniisip na makahahanap ka ng katahimikan sa buhay mo, doon pa lalong mas magulo ang mga nangyayari. Nakaririndi. Nakaloloko. Parang pinagsakluban ka ng langit at lupa.
Tunay nga, napakababaw na ng mga tao ngayon. Hindi mo na mawari kung ano ba talaga ang nais nilang ipahiwatig. Hindi mo na tuluyang maintindihan kung ano ang takbo ng kanilang isip. Nakaririndi. Nakatutuliro. Kung saan mo nais mahanap ang katahimikan sa buhay mo, doon pa lalong mas magulo, mas maingay, mas nakalilito. Nakabobobo. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito.
Maingay. Masalimuot. Parang gusto ko nang kumawala sa hawlang kinalalagyan ko. Hawlang kasama ko ang ibat-ibang klase ng hayop. At isa na rito ang isang mabangis na hayop. Hindi ko malaman kung tigre ba siya o leon. Basta ang alam ko mabangis siya. Parang isang bulkang sumasabog na lang bigla dahil sa isang simpleng bagay. Mahirap pakisamahan. Nakatatakot. Nakakikilabot.
Sa pagkakaalam ko, dapat nahahanap ko ang kaligayahan sa hawlang ito. Dito dapat ako nakararamdam ng kapayapaan kasama ng mga kapwa ko kung saan nararamdaman mo rin ang pagmamahal. Ang walang hanggang pagkakaibigan at ang walang humpay na pag-intindi. Nagkamali pala ako. Maling mali. Iba ang nararamdaman ko ngayon. Parang gusto kong tumakas. Gusto kong pumunta sa isang lugar na kung saan, ako lang. Siguro, doon, makararamdam ako ng kapayapaan.
Magulo na nga ang buhay mo sa labas ng hawla, magulo rin kahit sa loob. Minsan, hindi ko na alam kung saan ako lulugar at patutungo. Naghahanap ako ng nilalang na makaiintindi sa akin. Ang inaasahan ko ay ang tigreng mataas ang aking pagtingin. Ngunit nagkamali ako. Isang hamak lang akong pusa o sabihin na nating maliit at batang tigre na hindi pa kayang tumayo sa sarili niyang paa. Gustuhin ko mang lumapit at maghanap ng kalinga ng isang tigre, tigre nga eh, maliit lamang ako, anong mapapala ko. Baka lapain lang ako ng mga matitibay at matatalim na pangil nito.
Pag-intindi. Hindi sa lahat ng oras ay dapat ang tigre lang sa hawlang ito ang isinasaalang-alang. Hindi lang naman siya ang nasa loob ng hawlang ito. Ano ba ang tingin niya sa amin? Mga nilikhang susunod sa kung anong gugustuhin niya? Oo, napapagod siya. At napapagod din kami, ako. Hindi lang sa kanya umiikot ang mundo. Simpleng bagay ay pinalalaki. Paano niya mahahanap ang ninanais niyang pagkalinga mula sa mga nilikhang nasa paligid niya, kung palaging ganoon ang pagtrato niya sa kanila? Nakasasawa. Hindi ko mapigilang mainis kahit na isipin kong malaki ang utang na loob ko sa tigreng iyon.
Puro sumbatan ng sumbatan. Kaya walang nangyayari sa loob ng hawlang iyon. Maging ang mga buhay sa labas nito ay nawawalan na rin ng saysay dahil sa walang kwentang nangyayari rito. Gusto ko nang lumaya. Gusto ko nang maging ganap na tigre rin. Pero ipinangangako ko sa aking sarili na hindi ako magiging tulad ng tigreng iyon. Hindi ako magiging malupit sa mga nilikhang alam kong nagmamahal sa akin. Hindi ko sila hahayaang masaktan. At hindi ko hahayaang lumayo ang loob nila sa akin na hahantong sa pagkawala nila sa akin. Alam kong masarap at masayang lasapin ang buhay bilang isang pusa. Pero kung ganito lamang din, mas pipiliin ko nang bumilis ang buhay. Pag dumating ang panahon, ipakikita ko sa tigreng iyon na kaya kong tumayo sa aking sarili, na kaya kong maging isang mabuting tigre balangaraw na alam ang kahalagahan ng mga nilalang sa paligid niya. Ipakikita ko sa kanya na kahit gaano niya binalewala ang mga bagay na ginagawa ko para lamang maging ‘proud’ siya sa akin, pagdating ng panahon, ipatatamasa ko pa rin sa kanya ang aking narrating para malaman niyang kaya ko rin.
Ang sarap maging bata...
POSTED ON: @ 2:21:00 AM | 0 comments
Ang sarap ulit maging bata. Ang sarap maglaro at magsaya na parang walang bukas. Ang sarap sa pakiramdam ng wala kang inaalala at ikaw pa ang inaalala ng lahat. Ang sarap maging baby ng mga nakatatanda sa paligid mo. Ang sarap sa feeling na inaalagaan ka nila. :))
Ang sarap maging bata. Kasi sa totoo lang, ang mga bata matatapang! They have the guts. =)) Wala silang pakialam sa sasabihin ng tao basta masaya sila sa ginagawa nila. Hindi uso ang mapahiya sa mga bata dahil para sa kanila masaya ang mga tao sa panunuod sa kanila. Ang cute kasi ng mga bata eh.
Ang sarap maging bata kasi lahat kaibigan mo. Kahit na magkaroon ka ng katampuhan o kaaway, hindi lalagpas ang sampung minuto nang hindi kayo nagbabati. Hindi pa uso ang plastik kapag bata dahil masaya kapag maraming kaibigan! The more, the merrier. Mas madaming laruan! :)) Imba talaga ang pagiging bata.
Ang sarap maging bata dahil wala kang inaalalang kahit na anong problema. Ang inaalala mo lang ay ang mga laruan mo at ang mga coloring books mo. Ikaw ang nagbibigay kulay sa mga tao sa paligid mo. Aliw na aliw ang mga tao sa mga bata. Bawat kilos ng isang bata ay parang cute sa kanila.
Ang sarap maging bata dahil wala ka pang muwang sa mundo. Parang isa kang anghel na nahulog sa langit para sa iyong pamilya. Ang sarap maging bata dahil wala pang kasamaang bumabalot sa'yo. Inosente ka pa sa paligid. Kaibigan mo pa ang lahat at natural na mabait ka pa. Walang bagay na kokonsensiya sa iyo. Malinis pa ang iyong utak. Wala pang bahid ng kahit anong kadungisan. AT TOTOO NA KAPAG BATA PA AY TAPAT AT HINDI MARUNONG MAGSINUNGALING. Iba talaga ang mga bata. ^:)^ Kaya ang mga bata ay isang mabuting ehemplo. :-bd
Ang sarap maging bata kasi naipapahayag mo ng malaya ang nararamdaman mo. Hikbi kung ika'y naiiyak. Tawa kung ika'y nasisiyahan, simangot kung may bagay kang hindi nakuha. Ngayon, kapag nalungkot ka at naglabas ng saloobin, ang sasabihin ng iba, emo ka. Pag masyadong masaya, hyper at papansin ka, teka saan ka ba lulugar? :)) Buti pa ang mga bata. FREEEEE =)
Ang sarap maging bata dahil ang lawak ng imahinasyon mo. Ang dami mong naiisip na mga bagay na nagdudulot sa iyong kasiyahan. Naalala ko pa dati, may imaginary friend ako =)))))) Tapos, ginagamit ko yung dalawa kong kamay para kunwari nag-uusap kami nung imaginary friend ko. At wag ka, masaya na ako nun dahil may kausap na ako. Paano kasi, matagal pa bago ako nasundan. :))
Ang sarap maging bata dahil leader kang natural. Taglay ng mga bata ang mga katangian ng isang leader. Malawak ang imahinasyon, tapat, transparent at iba pa.
← Older / Scroll Back Up